Post by froilanr on Jul 18, 2008 12:50:03 GMT 8
I think makakatulong din itong bad news na ito paano tayo mamuhay ng maayos bilang mga lalaki against sa pornography.
Here is an article I searched online.
Kaya ko hinanap ito sa Internet kasi sa mismong T.V. nakita ko ang pag-po-protest ng mga Pastors at si Congressman Benny Abante patunkol sa nagkalat na pornographic magazines.
Sa opinyon ko ang author ng article na ito ay mali parin ang kanyang pananaw at karamihan. Sabi ng karamihan ay art ang pag-bo-bold or pag-bi bikini or topless ng mga models sa mga magazines. Sa aking opinyon naman nagiging excuse lang ang word na 'art' para ma promote lalo ang ganyang babasahin or publications (magazines).
Also, kung naging successful ang hustler at ibang pornographic magazine sa U.S. at hindi binabawal sa U.S. kasalukuyan ang ganung babasahin ay tama na ang ganung mga bagay. Ang tanong diyan kung ang Diyos ba ay nalulugod sa mga ganung babasahin. Ang opinion ba ng Diyos ay kamukha ng opinion ng tao? Ok lang sa tao (sa karamihan) ang mga nabanggit na magazine sa article na yan, pero sa Diyos ba ok ang mga babasahin na ganon.
Hindi kaba mapapa-isip ng masama (adultery) or pag-nanasa bilang lalake sa mga publications na mga yan? Adnormal ang isang lalake kung hindi makaka-isip ng kasalan habang binabasa ang mga ganung publications or babasahin.
Ang bansa natin ay pasama ng pasama at ang mundo. Hope tayong mga nakakilala na kay Cristo bilang Diyos at Tagapagligtas (binago na Niya tayo at patuloy pang binabago) ay makakalaban sa ganitong kasalanan or tukso.
Nakakalungkot talaga dahil maraming affected lalo sa mga ganung babasahin. No wonder bakit maraming rape at hindi inaasahan na pregnancy ng mga kabataan at nasa edad narin at adultery. I hope and pray na mamulat ang ating gobyerno sa ganitong maling nangyayari.
----
Press freedom at pornograpiya
Malamang na mabasura lamang ng hukuman ang isinampang kaso ng isang grupo ng mga Protestanteng pastor laban sa ilang publikasyon na sa paningin nila ay naglalako ng pornograpiya na nakakasama sa moralidad ng publiko.
Si Manila Congressman Benny Abante ang nanguna sa grupo ng mga Baptist pastors na kabilang sa grupong Bible Mode na nagsampa ng kaso laban sa mga publishers at editors ng pitong babasahin na kumikita umano sa pornograpiya.
Kabilang sa mga kinasuhan sa ilalim ng Articles 200 at 201 ng Revised Penal Code at Manila City Ordinance No. 7780 sina Allan Madrilejos ng FHM, Pierre Inaki Calasanz ng Maxim, Ramon Faustino ng Playboy, Zak Zorro Zamora ng Playhouse, Editha Asumbrado ng Sagad, Joe Dalde ng Toro at ang mga editor ng Hataw.
Ipinagmamalaki ni Abante na makasaysayan ang kanilang pagsasampa ng kaso laban sa mga naturang publikasyon dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong nademanda ang malalaking publishing house gaya ng Summit para sa FHM (pag-aari ng mga Gokongwei) at ABS-CBN para sa Maxim (pag-aari ng mga Lopez) dahil sa pornograpiya.
Hindi siguro alam ni Abante na marami nang jurisprudence hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos na mas nagpapahalaga sa kalayaan sa pamamahayag o press freedom kaysa pornograpiya na ang dethingyyon ay nakadepende sa tumitingin.
Ang pornograpiya kasi sa tingin ng mga katulad ni Abante ay posibleng sining o art sa ibang taong tumitingin lalo na yaong mga nakakaintindi ng photography at literature.
Landmark decision ngang maituturing ang nangyari kay Larry Flynt na publisher ng magasing Hustler dahil kung naniwala ang hukuman sa US na pornography ang kanyang babasahin ay matagal na sanang nasara ang naturang publikasyon.
Kung hindi ako nagkakamali, First Amendment (free speech) ang ginamit ng mga abugado ni Larry Flynt para ipanalo ang kanilang kliyente at ipagpatuloy ang paglimbag ng Hustler.
Pagkatapos ngang manalo ni Larry Flynt sa kanyang asunto ay lalong yumabong ang mga katulad na magasin sa US na mas matitindi kaysa sa Penthouse at Playboy ni Hugh Hefner.
Hitik din ang kasaysayan ng US sa mga katulad na kasong nakasandig sa moralidad na kadalasan ay relihiyon at simbahan ang nagdidikta o nagde-define pero dahil nga sa First Amendment at mas binibigyang halaga ng US courts ang freedom of expression na naka-enshrine sa kanilang Saligang Batas.
Sa ating Konstitusyon man ay sinisiguro ang kalayaan sa pamamahayag kung kaya naniniwala akong mas malamang na mabasura ang demanda nina Abante at mga kasamahan nilang pastor dahil nga sa pagiging relatibo ng dethingyyon ng pornograpiya.
Hindi rin naman sapilitan ang pagbabasa ng mga magasin gaya ng FHM, Maxim at Playboy at tanging yaong mga may pambili lamang at mga nasa majority age ang puwedeng bumili ng mga ito sa newsstands.
Mahirap na ngang magbasa ng libre ng FHM at Playboy sa mga bookstores at supermarket dahil naka-seal sa plastic ang mga naturang magasin at mababasa mo lang ang mga ito kapag binayaran mo na dahil nakakahiya namang buksan mo ito roon para basahin at hindi naman bibilhin.
Kunsabagay, malaya rin naman sina Abante na i-exercise ang kanilang karapatan na magsampa ng kaso pero sa ganang akin ay maraming mas malalaking isyu na puwedeng pagtuunan ng pansin ng Manila congressman at kanyang mga kasamahang pastor.
Isa na riyan ang isyu ng pork barrel kung saan maraming istorya at libro na ang naisulat na malaking porsyento ay nauuwi sa korapsyon mula sa itaas hanggang sa ibaba. ‘Yan sa tingin ko ang mas mahalagang isyu kaysa pornograpiya.